Wala nang paliguy-ligoy... 27 over 100 ako sa Exam sa 131. First of four exams. Dapat ba akong matuwa at cancel the lowest ang sistema? Pero mukhang mahirap daw ang finals. Hindi naman ako genious para maka-100 dun. Siguro pag nag-aral ako ng todo makaka-50 ako. Haha. Ang baba na ata ng self-esteem ko. Ano bang dapat gawin? Siguro yung iba sa nagbabasa nito, iniisip, "eh kung tumigil ka na jan sa sentiments mo at mag-aral ka na lang para makabawi". Tama ganun na lang (again). Ay onga pala, sa August 7 na ang 1st MP namin. Wala pa akong alam tungkol dun. Hahabulin ko pa ang lessons. Nakaka-panic naman. Sana naman biyayaan kao ng kasipagan. Hindi na ako nadala. Tinatamad na naman ako. Tapos magpopost sa blog ng sentiments. Loco-loco ka pala eh. Ok.. sshhh na ako. Kailangan nang magseryoso. Gear up na.
131, tatlong numbers lang yan.. hindi ka sasaktan niyan.
Tuesday, August 01, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment