Saturday, July 15, 2006

17 - War Isn't Over Yet

Tuwang-tuwa ako nang mausog ang exam namin sa CS 131. Actually hindi pa talaga ako handa nung araw na yun. Ipinasa-Diyos ko na lang. Wahehe. Hindi naman masyado. Medyo geared-up naman ako for the "quiz", as my Prof calls it. Pero sobrang thankful talaga ako nang malaman kong hindi kami matutuloy. Nagkaroon ako ng pagkakataong makapaghanda pa nang mas mabuti para sa laban.

Pumatak ang sumunod na araw. Walang klase. Nakakatawa dahil hindi man lamang ako humawak ng notes sa 131. Hindi ako umusad. Kinabahan na naman ako, dahil baka kinabukasan ay ituloy na ang "quiz". (Hindi ko talaga matanggap na quiz siya, although three items lang daw siya.. huwaat!?)

Thank goodness. Next week pa ang "quiz", (quote and quote). Mabuhay ang mga tamad. Joke lang. Magsisipag na ako. Sisimulan ko sa pagwawalis ng bahay. Tapos, susundan ko ng kaunting pagtanggal ng alikabok sa mga abubot. Tapos susundan ko ng pagliligpit ng kama, at paghiga dito matapos ayusin. Tapos matutulog. Gigising at lalamon. Tapos gagawa ng walang kwentang blog tulad nito. Tapos sleep ulit. Sarap. Ayun. masipag na siguro ako sa lagay na iyon. Joke lang ulit. Promise magsisipag na ako. Paghahandaan ko nang mabuti ang naudlot na eksaminasyon. Cross my heart.

The rain kept falling.
The angry clouds continuously gave viscious smiles.
The strong breeze made huge impacts.
The War isn't over yet.
It hasn't even started.
Droplets of water came sliding down my unscathed blade.
I haven't even made a single slice nor dice.
The cutting edge is simply blood-free.

No comments: