Senior kinder ako nang matanggap ko ang kauna-unahan kong award sa school.
Best in Art.
Naks. Napaka-academic ng award ko. Pero in fairness nung time na yun ko natuklasan na may skills pala ako sa pagdrawing at paggamit ng Crayola.
Sinanay ko ang aking sarili sa pamamagitan ng pag-color ng mga pictures sa textbooks namin. Favorite ko pa yung style na dark yung sides/outline ng figure tapos light lang sa gitna. Oh diba, kinder pa lang may lighting effects nang nalalaman. Ang taray.
Pagsapit ng Grade 1, tinanong ako ng teacher ko kung bakit hindi ako sumali sa Art Club. Eh ang husay ko daw sa Art. Sports Club kasi pinatos ko noon. Hindi ako mayabang.
So mula Grade 2 hanggang 5, Art Club ako.
Nga pala, Student Council Club ako nung Grade 6. Tumakbo kasi akong Auditor. Wala naman akong itinulong sa pag-unlad ng mga elementary students. Tuloy-tuloy akong nakalikom ng Art award hanggang Grade 5. Hindi ako mayabang.
Napakasaklap dahil kung kailan graduating na ako, doon pa ako walang Art award. Ang babaw noh? Naiiyak na ako. Ayan tumulo na.
(Teka, kuha lang ako ng tissue, hapdi ng mata ko.)
Anyway, nagsisi nga pala yung art teacher ko dahil binabaan niya ang grade ko sa art. Ako kasi yung isinabak sa National Sci-Art Comnpetition. Hindi ako mayabang. ½ illustration board. Oil pastel ang medium. Pero pwedeng gumamit ng indigenous materials. Binigyan ata kami ng mga dalawang linggo para gawin yun. Nagpatulong pa ako sa Ate ko. Garapalan.
Gumamit ako ng tela, ng tela at tsaka ng tela ng damit bilang indigenous materials. Astig.
Nagtravel pa kami ni Papa papuntang
Lalong nahubog ang aking galing at talento sa pagguhit at pagkulay nang tumuntong ako sa high school. Hindi ako mayabang. Promise. Marami akong sinalihang mga patimpalak. Ilan sa kanila ay napanalunan ko.
Bininyagan pa akong miyembro ng Art Wizards Trinity. Ilan kaya kami dun? Tatlo ata kami (pakibasa ulit yung word na trinity). Ayun. Nasubukan ko na ring sumabak sa inter-division competition. Inter-district din ata. Ginanap pa yun
Bago magkolehiyo, sumagi sa isipan ko na i-take-up ang Fine Arts bilang kurso. Pero hindi ko ginawa. Pakiramdam ko, hindi ako nababagay sa kurso. Kaya tinake-up ko ang Computer Science. I found a new home.
3 years na akong nag-aaral ng Comsci sa UP Diliman.
Wala nang art competitions.
Hindi na rin uso ang art award kapag college ka na.
Sobrang bihira pa sa bihara na akong makahawak ng oil pastel. At sa tuwing ilalabas ko ang aking sketchpad at lapis, madidismaya lang ako. Hindi ako makakatapos. Tatamarin na lamang bigla.
Ang dami kong pinag-mayabang sa entry na ‘to.
Wala namang maipagmamalaki.
Sketchpad. Pencil. Oil pastel.
1 comment:
tama ka.. wala na ngang mga art awards sa college, wala na rin nga school press conferences.
Post a Comment