Tuesday, April 25, 2006

2 - Wrestler ka ba?

Sino si John Cena?
'Di ba yun yung hiphop na malaki ang katawan na wrestler?
Aba oo nga. Gustung gusto yun ng pinsan kong 8 years old na babae.
Akalain mo bang sikat na sikat siya sa mga jologs dito?
'Di nga?
Ewan ko ba. Ako kasi hindi ako mahilig sa ganyan.
Niloloko lang nila tayo sabi nga ng tatay ko.
Sa tuwing napapanood ko yan, bibirit na ang ama ko ng "Asus! Hindi naman tumama yung suntok!" na may kasamang ngiting pangungutya.
'Pag pinapanood ko sa TV ang daming nababaliw na tao. Andaming nanonood sa arena.
Nalungkot na rin ako nang mamatay yung isang favorite ko.
Affected.
Gawin daw bang YM status yung "RIP Eddie Guerrero"?
Baliw.
Masaya ka ba? Sa isang linggo, 4 na oras ang nawawala sa'yo dahil sa panonood.
Tapos minsan lampas pa kapag pinapanood mo yung replays.
Wala kang patawad.
Nakakatawa dahil nasa Firefox bookmarks toolbar mo yung WWE website.
Eh ano naman sa'yo?
Eh ano naman sa akin?
Teka, lapit na alas sais, buksan ko na TV.

2 comments:

Anonymous said...

ginawa ko ding ym status yun ah :( nakakaiyak kaya talaga

Anonymous said...

WOW WWE The Most Powerful World wrestling Entertainment for free, Geez this is cool!!!