Kung may bagay na makapagsasabing ako ay isang wirdong nilalang, bolpen ang makakasagot niyan. Hindi ko na matandaan kung kailan ako nagsimula. Pero malamang grade 1 yun. "Paaway" ang tawag ko sa mga munting panulat na aking ginagamit. Kung itratranslate sa Ingles, "Fighting Ballpens". Actually, hindi na sila matatawag na panulat. Lahat ng bahagi sa roster ng Paaway ko ay pawang mga kalbo na sa tinta. Hindi na makasulat. Wala nang silbi sa mundo ng mga panulat.
Bakit Paaway? Simple lang. Dahil pinag-aaway ko sila. Pinaglalaban. Ngunit hindi ganung kadali yun. Sa tuwing pinaglalaruan ko ang aking mga Paaway, hindi ko nasisilayan ang mga naghahampasan kong bolpen. Sa halip ay naglalakbay ako sa mundo ng imahinasyon. Madali akong bumuo ng mga pangyayari sa pamamagitan ng imahinasyon. Nakakabuo ako ng iba't ibang uri ng sitwasyon at naisasabuhay ko ang mga paborito kong anime heroes (7-14 taong gulang ako) at ang mga napapanood kong wrestlers sa WWE (15-kasalukuyang gulang). Sa pamamagitan ng pagkumapas ng aking Paaway, nagagawa kong lumikha ng iba't ibang uri ng pakikipaglaban.
Halimbawa, maglalabas ng bolang enerhiya si
Kaso iniisip ko, hindi kaya ako mabaliw nito? O kaya'y kakagamit ko ng aking utak ay mapatid ang isang ugat nito at habambuhay na akong gugulay-gulay? Nakakatakot pero hindi ko na lang iniisip ang ganun. Ipipikit ko na lang ang mata ko tapos matutulog. Pero seryoso, may mga times na nagkakaroon ako ng head aches pagkatapos kong mag-Paaway. Oh please wag naman
Tinatayang 3 months ago, itinago ko na ang aking mga bolpens sa kaloob-looban ng aking cabinet. Ayokong itapon dahil naging malaki na ang bahagi nila sa buhay ko. Ilang beses ko na ring binalik-balikan ang bisyong ito. Hindi nagtagumpay ang pagtatapal ng masking tape sa takip ng Dunkin-Donuts Kazaam tin can ko na siyang nagsisilbing lalagyan.
Oh well, ang bisyo nga naman, mahirap bitiwan. Mahirap pakawalan. Life time bisyo na ba ito? Darating ba sa puntong isa na akong kagalang-galang at respetadong pangalan sa lipunan, may butihing pamilya at mga nagsisilusugang mga apo, ngunit regular na nagkukulong sa kwarto at paglalabanin ang mga bulok nang mga bolpens (by that time)? Nakakatakot. Baka may tumor na ako sa utak nun.
Wala bang gamot para dito?
Flashback: Sisilip ang yumao ko nang lolo sa bintana ng aming bahay, makikita akong naglalaro ng Paaway at sasabihing, "Oh, nagmamagic ka na naman..."